NANAWAGAN | Asec. Uson, dapat humingi ng public apology – PIA Dir. Gen. Harold Clavite

Manila, Philippines – Nanawagan ang Philippine Information Agency (PIA) kay Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson na mag-sorry matapos mag-viral ang inilabas nitong ‘i-pederalismo’ dance video.

Ayon kay PIA Director Genaral Harold Clavite, isang kapalpakan ang ginawang video ni Uson at kanyang co-host at blogger na si Drew Olivar.

Sa isang facebook post, sinabi ni Clavite na dapat lang na humingi ng public apology si Uson.


Dagdag pa ni Clavite, dapat ding mag-‘leave of absence’ si Uson para magnilay-nilay sa isyu.

Matagal na aniya silang walang ginagawa kaya panahon na para may magsalita at para masita ang mga opisyal na paulit-ulit na dinudungisan ang reputasyon ng gobyerno.

Facebook Comments