NANAWAGAN | Budget sa NHA, ipinababalik sa orihinal na P36 billion sa 2019

Manila, Philippines – Nanawagan si Quezon City Rep. Alfred Vargas na ibalik ang P36 Billion na alokasyon para sa National Housing Authority (NHA) sa 2019 budget.

Giit ni Vargas, na siyang dumipensa sa budget ng NHA sa plenaryo, ito ang dahilan kung bakit walang nailalaan na matino at maayos na pabahay para sa mga housing personnel.

Sa orihinal na budget ng NHA, P36 Billion ang hiling na pondo ng ahensya pero nasa P360 Million lamang ang ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM).


Dagdag pa ni Vargas, para masolusyunan ang 6.5 Million na backlog sa pabahay, mangangailangan ang gobyerno ng P10 Trillion para maresolba ito.

Ngayong mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nakipagusap at humiling kay Speaker Arroyo na pondohan ang pabahay sa militar at pulis, umaasa ang mambabatas na magagawang taasan o ibalik ang hiling na budget ng NHA para sa mga proyektong pabahay.

Giit ng kongresista, hindi lamang mga pulis at sundalo ang makikinabang kung madadagdagan ang pondo ng NHA kundi pati na rin ang ibang sektor.

Facebook Comments