NANAWAGAN | CHR, nababahala na sa paglala ng culture of impunity

Nababahala na ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga kaso ng pagpatay sa mga local chief executive kasunod ng pagpatay kay Mayor Alexander Buquing ng Sudipen, La Union.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline De Guia, panglabindalawang alkalde na si Buquing na napapatay maliban sa anim pa na bise mayor ang napaslang sa ilalim ng Duterte Administration.

Muling nanawagan si De Guia sa gobyerno na agarang resolbahin na ang umiiral na kultura ng pagpatay sa balsa.


Aniya, hanggat hindi nareresolba ang mga high profile cases, mas magkakalakas loob pa ang mga nasa likod ng pagpatay.

Sa ngayon aniya ay marami pang mga walang pangalan ang nag-aantay na mabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.

Binigyan diin ni De Guia na dapat magpakita ng kongretong aksyon sa nangyayaring patayan sa pamamagitan ng agresibong mga imbestigasyon, pagsasampa ng kaso at maipakita na may masampolan na maparusahan.

Nagpadala na ng quick response team ang CHR-Region I para magsagawa ng motu propio investigation sa pagpatay kay Buquing.

Facebook Comments