NANAWAGAN | CHR, pinatitiyak sa PNP na hindi mababalot ng abuso ang ‘Alsa Masa’

Manila, Philippines – Pinatitiyak sa PNP ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi lalabag sa karapatang pantao ang planong pagbuhay ng Philippine National Police (PNP) sa ‘Alsa Masa’.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia, CHR spokesperson, bagaman at kinikilala nila ang diwa ng boluntirismo partikula, iginiit nito sa PNP na dapat busisiin muna ang mga guidelines ng implementasyon nito.

Ito ay upang maiwasan na maulit ang mga paglabag sa karapatang pantao partikular sa due process at sa rule of law.


Aniya, noong 1980’s ay naghasik ng takot ang ‘Alsa Masa’ na ipinantapat sa NPA noong martial law at ngayon naman ay balak gamitin sa war on drugs ng gobyerno.

Facebook Comments