NANAWAGAN | Comm. Lapeña pinagbibitiw na sa pwesto

Manila, Philippines – Nananawagan ngayon si Deputy Collector for Passenger Services Customs Lourdes Mangawaong na magbitiw na sa kanyang tungkulin si BOC Commissioner Isidro LapeƱa dahil sa kontrobersyal na isyu hinggil sa magnetic lifter na di umano ay may lamang shabu.

Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni Atty. Mangawaong na napapanahon na upang magigising si Pangulong Duterte at pakinggan ang panawagan ng nakararami na patalsik na sa kanyang pwesto si LapeƱa dahil nakasisira lamang umano ito sa magandang imahe ng kanyang liderato.

Isa-isang ipinunto ni Atty. Mangawaong kung bakit dapat ng magbitiw sa kanyang pwesto si LapeƱa, una ay pabago-bagong nitong pahayag hinggil sa naturang usapin,pangalawa hindi umano nito kontrolado ang kanyang mga tauhan na gumagawa ng mga anumalya.


Kasama ang mga miyembro ng Coalition Against Corruption at VACC Founding Chairman Dante Jimenez ibinunyag ni Atty. Mangawaong ang mahinang Intelligence gathering at pakikipagsabwatan ng ilan tiwaling mga taga customs ang nagiging dahilan ng patuloy na pagpasok ng mga malalaking shipment ng illegal drugs.

Facebook Comments