Manila, Philippines – Umaapela ang Department of Education (DepEd) sa Kongreso na pagtibayin ang panukalang libreng pagkain sa mga estudyante sa mga pampublikong paaralan.
Dumadami na kasi ayon kay Education Spokesperson Undersecretary Annalyn Sevilla ang mga batang malnourished.
Kung kaya at malaki ang maitutulong ng libreng pagkain sa mga mag-aaral upang madali nilang maabsorb ang mga itinuturo ng kanilang mga guro.
Sinabi pa ni Sevilla na sa ganitong paraan ay mas matututukan ang nutrisyon ng mga bata dahil mapipili kung anu-ano ang mga ipapakain sa mga estudyante.
Batid naman daw kasi ng ahensya na hindi lahat ng estudyante ay kayang bumili ng complete meal o masusustansyang pagkain.
Sa ngayon, mahigpit ang panuntunan ng DepEd sa mga school canteen na ibenta lamang yung mga masusustansyang pagkain.