Manila, Philippines – Nakiusap ang singer-songwriter na si Aiza Seguerra na irespeto ang desisyon niyang magpalit ng gender preference.
Sa kanyang instagram post kahapon, binigyang-diin ni Aiza na isa siyang transgender man.
Ibig sabihin, ipinanganak man daw siya na may vagina, kinikilala pa rin niya ang kanyang sarili bilang isang lalaki.
Kaya pakiusap niya sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan, huwag na siyang tawaging “ate”, “tita”, “sis”, “ninang”, “senyora”, “madam” at “ma’am”.
Ayaw din niya na gamitin ang mga panghalip na tumutukoy sa babae gaya ng “she” at “her”.
Sa halip, tawagin na lang daw siya sa pangalang “Ice”.
Taong 2012 pa nang umaming lesbian si Aiza at 2014 nang ipaalam niya sa publiko na isa siyang transgender man.
Sa taon ding ito ikinasal si Aiza kay Liza Diño.