NANAWAGAN | DOH – umapela sa publiko na huwag katakutan ang pagpapabakuna

Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Health sa publiko na huwag katakutan ang pagpapabakuna.

Kasunod ito ng hinihinalang outbreak ng sakit na tigdas sa Sarangani Province.

Ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III – subok nang epektibo ang mga bakuna na ginagamit sa mga bata.


Hindi aniya dapat ipagkait sa mga bata ang mga kinakailangan nilang bakuna dahil lamang sa takot ng mga magulang na maulit ang kinahinatnan ng Dengvaxia vaccine program.

Sa datos ng DOH, umakyat na sa 84 ang bilang ng kaso ng tigdas sa buong bansa kung saan naitala ang tatlong bagong kaso nito sa Malapatan, Sarangani.

Nasa 10 hanggang 15 percent ang itinaas sa kaso ng dengue habang 367 percent naman ang itinaas sa kaso ng tigdas.

Pakiusap pa ni Duque sa publiko, huwag sayangin ang bakuna dahil libre naman itong ibinibigay sa mga health centers sa buong bansa.

Facebook Comments