Manila, Philippines – Kasabay ng selebrasyon ng International Humanitarian Law (IHL) ngayong buwan ng Agosto, muling ipinanawagan ni DSWD Secretary Virginia Orogo ang pagbibigay proteksyon sa mga sibilyan sa mga digmaan at kaguluhan.
Tinukoy ni Orogo ang proteksyon sa mga pamilyang biktima ng kaguluhan sa Marawi City.
Aniya, sa anumang kaguluhan, ang mga bulnerableng sektor katulad ng mga bata at kababaihan, matatanda at mga may kapansanan ang unang naaapektuhan na kadalasan ay nalalabag ang kanilang karapatang pantao.
Apela ng DSWD sa lahat ng partido, combatants, at non-combatants na parating pangalagaan ang karapatan ng mamamayan na naiipit sa kaguluhan.
Base sa huling datos noong Hulyo 31, may 12,806 internally displaced families ang naitala sa Marawi City, kung saan 1, 675 ang nanatili pa rin sa evacuation centers habang ang 11,131 naman ay nasa kanilang mga kaanak at kaibigan sa Regions 6, 7, 9, 10, 11, 12, Caraga at ARMM.