NANAWAGAN | Environmental group, umapela na gawing malinis ang paggunita ng Undas

Manila, Philippines – Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa publiko na ipakita ang pagrespeto sa mga namayapa sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ng mga sementeryo ngayong Undas.

Ayon kay Daniel Alejandre, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste Coalition, sa kabila ng paulit-ulit na panawagan kada taon, hindi pa rin natututo ang mga bumibisita sa mga sementeryo at tone-tonelada pa ring basura ang iniiwang nakakalat saan mang sulok ng libingan.

Idinagdag ng grupo na malinaw anila sa umiiral na Republic Act 9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act, mahigpit na ipinagbabawal nito ang pagkakalat, pagtapon at pagsusunog ng basura.


Bukod dito nanawagan din sila sa mga politicians na huwag gamitin ang sementeryo sa kanilang political propaganda.

Sa halip na mamahagi ng mga leaflets at pagsasabit ng tarpaulins na mayroong mukha at pangalan ng mga ito mas maige na suportahan na lang ang mga volunteers na nagmamantine ng kalinisan sa loob at labas ng sementeryo.

Facebook Comments