Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na magprisinta ng isang final draft.
Ito ay sa gitna ng peace negotiations sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng komunista.
Sa kanyang talumpati kasabay ng inagurasyon ng Cavite gateway terminal sa Tanza, Cavite sinabi ng Pangulo na kakausapin niya si Sison para sa final draft.
Dagdag pa ng Pangulo – ipapasa niya ito sa militar at pulis.
Dagdag pa ng Pangulo – dapat makipag-usap ang mga negosyador ng NDFP kina Presidential Peace Adviser Jesus Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello III.
Nabatid na nagdesisyon sina NDFP leaders Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni kasama ang panel member na si Coni Ledesma na huwag nang ituloy ang kanilang nakatakdang pag-uwi sa Pilipinas dahil sa banta sa kanilang seguridad.