Manila, Philippines – Nananawagan ngayon si Senator Sonny Angara sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na bawiin nito ang memorandum circular 50-2018 (A7) na nagsasaad na ang mga premium health cards ay dapat na buwisan.
Sa ilalim ng memorandum na ito, ayon sa BIR, ang mga premium health cards, ay kabilang sa bonus ng mga empleyado na sa oras na lumampas sa 90, 000 pesos ay magiging subject na sa tax.
Ayon kay Senator Angara, sa halip na malinawan ang publiko ay mas lalo pa aniyang nagkaroon ng kalituhan dahil sa memorandum na ito.
Binaliktad kasi aniya nito, ang una nang ruling ng BIR na dapat ay exempted sa tax ang mga health cards.
Aniya, sa laki ng gastusin sa pagpapagamot at pagpapa-ospital ng mga Pilipino, hindi na makatao kung bubuwisan pa ang mga benepisyo na malaki ang naitutulong para pangalagaan ang kalusugan ng publiko.