NANAWAGAN | Huwag haluan ng politika ang usapin ng Dengvaxia – CHR

Manila, Philippines – Umapela ang pamunuan ng Commission on Human Rights (CHR) sa mga public officials na ituon lamang sa kapakanan ng mga kabataang Filipino at huwag haluan ng politika ang usapin ng Dengvaxia.

Ang pahayag ng CHR ay upang mawala ang takot ng mga naturukan ng Dengvaxia sa mga premature na statement o pahayag ng mga public officials kaugnay sa isinagawang imbestigasyon ng DOH at UP expert na walang kaakibat na mga scientific evidences o matitibay na ebidensiya.

Paliwanag ng CHR, hindi umano nakabubuti sa pamilya ng mga batang naturukan ng Dengvaxia ang mga pahayag ng ilang public officials ng walang suporta ng mga matitibay at dokumentadong mga ebidensiya.


Giit ng CHR, bagamat sinsero ang intensyon ng DOH na ipatupad ang kanilang mandato na protektahan ang publiko sa pamamagitan ng kanilang mga polisiya sa lahat ng uri ng mga sakit kabilang ang Dengue pero mayroon din umanong pagkukulang ang kagawaran sa pagpatutupad nito.

Facebook Comments