NANAWAGAN | Ilang grupo sa agrikultura, umapela ng price control sa bigas at petrolyo

Manila, Philippines – Umapela ang mga ilang grupo sa agrikultura sa pamahalaan na magkaroon ng price control sa bigas at ang pagpapababa sa presyo ng krudo.

Ito ay matapos pumalo sa 6.4 porsiyento ang inflation nitong Agosto.

Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, ito ay para agad mapigilan ang problema sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Sabi naman ng grupong Bantay-Bigas at Philcograins, dapat ang price control sa bigas ay nasa P34 hanggang P38 lang para makabili pa rin ang ordinaryong konsumer.

Pero paliwanag ng Department of Trade and Industry (DTI), magiging malaking tulong sa mga konsumer ang ginawa nilang “price holding” ng mga pangunahing bilihin tulad ng de lata, noodles at kape hanggang Disyembre 1.

Facebook Comments