Manila, Philippines – Nananawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa publiko na maging vigilante at bantayan ang pagpapatupad ng National ID System.
Bagama’t hindi ito nagpahayag ng pagtutol sa kapapasa lamang na batas, sinabi ng Obispo na mainam pa rin na maging mapagbantay ang publiko, nang hindi maaubuso ang mga impormasyon papasok dito maging ang right to privacy ng mga Pilipino.
Samantala, umaasa naman si CBCP’s Commission on Migrants and Itinerant People, Bishop Ruperto Santos, na malaki ang maitutulong ng National ID partikular sa mga transaksyon ng OFWs.
Matatandaang kahapon, sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Philippine Statistics Authority Administrator Lisa Grace Bersales, na wala dapat ipangamba ang publiko, dahil tanging ang PSA lamang ang hahawak ng mga impormasyon lalamanin ng National ID.