BABY NUMBER 2 | Lee O’Brian, gustong magkaroon sila ni Pokwang ng another baby

43

Bukas ang American actor na Bi Lee O’Brian na magkaroon pa sila ng isang anak ng live-in partner niyang si Pokwang.

Pero sana raw ay gusto rin ito ng comedienne actress.

Mananatili rin daw siya nang mas matagal sa Pilipinas para alagaan ang six-month-old baby girl nila na si Malia.

Aminado naman si Lee na malaki ang ginagawa nilang adjustment ni Pokwang sa isa’t isa dahil na rin sa magkaibang kulturang kinagisnan nila partikular ang paraan ng pag-handle sa affection at romance.

Kabilang sa mga natutunan niya ang pag-handle sa ‘tampo’ at ‘gigil’.

Nagkakilala sina Pokwang at Lee sa set ng pelikulang EDSA Woolworth noong 2014.

Facebook Comments