Manila, Philippines – Pinasususpinde ng grupo ng mga driver at operator ang jeepney modernization program.
Ito ay kasunod ng ilang linggong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa Stop and Go Coalition – wala nang kinikita ang mga tsuper dahil nauuwi lamang sa pambili ng krudo at boundary ang kanilang kita sa maghapong pamamasada.
Hindi na anila kakayanin kung matutuloy ang modernization program lalo at kailangan ng 800 piso kada araw na panghulog sa bibilhing modernong jeep.
Inihihirit din ng transport group ang bawiin ang pagpapataw ng excise tax sa petrolyo at pagbigyan ang kanilang hirit na 12 pesos ang pasahe sa jeep.
Facebook Comments