Manila, Philippines – Nanawagan si Vice President Leni Robredo na igalang ang human rights.
Ito ay kasabay ng ika-70 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR).
Ani Robredo, nararapat lang na itaguyod ang karapatang pantao para sa makatao, maging sa makabuluhan at mabuting pagbabago.
Dagdag pa ng Bise Presidente, batay sa prinsipyo ng UDHR, pinapahalagahan dapat ang bawat buhay, respeto para sa dangal ng iba, ang paninindigan para mabigyan ng mabuting pamumuhay ang bawat pamilya.
Ang UDHR ay isang makasaysayang dokumento na pinagtibay ng United Nations general assembly noong December 10, 1948.
Kabilang ang Pilipinas sa 48 bansa na lumagda sa UDHR, na kinikilala ng Korte Suprema bilang bahagi ng pambansang batas.
Facebook Comments