NANAWAGAN | LTFRB, hinimok ang mga jeepney operator at driver na kunin na ang kanilang mga fuel cards

Nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pasada Program (P3) sa Metro Manila na kunin na ang kanilang fuel cards bago magtapos ang distribution ngayong buwan.

Ngayong araw, September 25, ang LTFRB ay magsasagawa ng panibagong P3 caravan sa Buena Park sa lungsod ng Caloocan mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Maari ring kunin ang mga fuel voucher cards ng mga lehitimong Public Utility Jeepney (PUJ) operator at driver sa main office ng Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue, Quezon City mula Miyerkules (September 26) hanggang Biyernes (September 28.)


Sa huling datos ng LTFRB, na may kabuoang 179,852 recipients ng government fuel subsidy program sa buong bansa.

Sa ngayon, aabot sa 30,000 cash cards ang inilibas ng ahesya para sa mga benepisyaryo nito sa Metro Manila.

Target ng LTFRB na makumpleto ang distribution ng lahat ng cash cards hanggang katapusan ng buwan.

Para makuha ang fuel cards, ang mga benepisyaryo ay kailangang maglabas ng orihinal at photocopy ng kanilang government-issued I.D, isang I.D. picture at ang proof of franchise ng operator gaya ng certificate of public convenience at franchise verification.

Ang fuel cards ay naglalaman ng ₱5,000 subsidy mula Hulyo hanggang Disyembre para maibsan ang tumatas na presyo ng langis dahil sa epekto ng tax reform law.

Facebook Comments