NANAWAGAN | Mga OFW sa Israel dapat sumunod sa batas – PRRD

Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Overseas Filipino Workers o OFW na nagtatrabaho sa Israel na huwag gumawa ng anomang bagay na posibleng makaapekto o makasira sa magandang relasyon ng Pilipinas sa Israel.

Ito ang sinabi ng Pangulo nang makasalubong nito ang ilang OFWs matapos ang kanyang wreath laying ceremony sa Israel-Philippines Friendship Monument sa Tel Aviv Israel.

At ito ang huling aktibidad ng Pangulo sa Israel bago ito lumipad sa Jordan.


Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay laging sumunod ang mga OFW sa mga batas na ipinatutupad sa Israel upang mapanatiling maayos ang relasyon ng dalawang bansa na ang mag bebenepisyo din naman ay ang mga OFW.

Sinabi ng Pangulo na masaya siya dahil napakaganda ng pagtrato ng Israel sa mga OFW at hindi nakakaranas ng pang-aabuso.

Ang Friendship Monument naman ay ang tanda ng pagkupkop ng Pilipinas sa mga Jews noong panahon ng Holocaust.

Nakaharap naman ni Pangulong Duterte ang isa sa mga Jew na nagpunta sa Pilipinas mula sa Europe na si Max Weisler na 88 taong gulang.

Kasama naman ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte nang bumisita sa Friendship Monument.

Facebook Comments