Manila, Philippines – Umapela ang National Food Authority (NFA) sa mga consumer na huwag mag-stock ng NFA rice.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, hindi na kailangang mag-ipon ng supply.
Sinabi naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, plano na nilang mag-angkat ng bigas at ibenta sa murang halaga sa mga consumer.
Kapag naaprubahan ito ng NFA council, ay maari nang mag-order.
150,000 metric tons o katumbas ng tatlong milyong sako ng bigas ang target na i-angkat ng DTI sa pamamagitan ng Philippine International Trade Corporation (PITC).
Nasa ₱27 o ₱32 kada kilo ang halaga ng ibebenta nilang imported rice.
Makakarating ang murang imported na bigas bago mag-Disyembre.
Facebook Comments