Kampanya kontra terorismo mas pinalakas pa sa Buldon

“Kaligtasan ng nakakarami” ito ang naging sentro sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting sa bayan ng Buldon sa Maguindanao.

Pinangunahan mismo ni Buldon Mayor Abolais Manalao ang MPOC kasama si Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan , mga opisyales mula sa military , PNP at Department Heads ng LGU.

Isinagawa ito sa Baranggay Hall ng Dinganen noong araw ng sabado.


Pangunahing layunin ng MPOC ay ang pagkontra sa banta ng terorismo at paghimok sa kanilang kababayan na maging mapagmatyag kasabay ng mga pagkakatagpo ng IED sa ibat ibang lugar sa Central Mindanao.

Facebook Comments