NANAWAGAN | P750 minimum wage, hiniling na ipatupad sa halip na P20 umento na umento sa sahod

Manila, Philippines – Nanawagan si Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao sa publiko na i-demand ang P750 national minimum wage sa mga manggagawa sa buong bansa.

Giit ni Casilao, malaking insulto para sa mga manggagawa ang panukalang P20 wage hike sa NCR.

Batay sa IBON foundation, sa 14 Million na pinakamahihirap na households sa Pilipinas, aabot sa P1,800 hanggang P4,725 ang nawawala sa kita mula January hanggang September dahil sa inflation.


Ang P20 na umento sa sahod ay wala aniyang maibibigay na solusyon sa patuloy na pagtaas ng inflation bunsod ng ipinatupad na TRAIN Law at iba pang mga polisiya ng gobyerno.

Sinisi din ni Casilao ang labor department at mga regional wage boards na nakokontrol ng mga malalaking kumpanya dahilan kaya hindi maisulong ang pagtaas sa minimum na sahod.

Pumalya din aniya ang DOLE na i-regular ang libu-libong mga manggagawa.

Naniniwala si Casilao na ‘just’ at ‘doable’ ang P750 na national minimum wage kaya dapat itong ipilit na maisulong ng mga empleyado at mga manggagawa sa bansa.

Facebook Comments