NANAWAGAN | Paglala ng epekto ng inflation, pinaaagapan sa gobyerno

Manila, Philippines – Hinikayat ni Marikina Representative Miro Quimbo ang Duterte administration na huwag hayaan na palalain ang epekto ng patuloy na pagtaas ng inflation.

Ito ay kaugnay sa mataas na inflation rate na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ngayong 3rd quarter ng taon na nasa 6.2% mula sa 4.8% ng 2nd quarter.

Dapat na aniyang mabahala ang gobyerno sa pagtaas ng bilang ng mga nagiging mahirap at nagugutom na umabot na sa milyon dahil sa mga palpak na polisiya at kawalang aksyon ng pamahalaan.


Hindi aniya katanggap-tanggap ito kaya dapat na agapan na ito ng pamahalaan bago pa lumala.

Sinabi pa ni Quimbo na hindi na nakakagulat ang mataas na inflation dahil inaasahan naman na ito bunsod ng mga nagtataasang bilihin at presyo ng krudo sa world market.

Facebook Comments