NANAWAGAN | Pagpapatupad ng national gun laws, pinahihigpitan

Manila, Philippines – Nanawagan ngayon si Senator Richard Gordon sa gobyerno na higpitan ang pagpapatupad ng national gun laws kasunod nang insidente ng pamamaril sa negosyanteng si Dominic Sytin sa Subic.

Ayon sa Senador – dapat ay may saturation drive ang pulisya sa mga taong nagdadala ng baril.

Binanggit pa niya ang insidente rin ng pamamaril sa ilang Mayor ng La Union gayundin sa Nueva Ecija.


Nilinaw naman ni Gordon na hindi pa ito maituturing na senyales ng breakdown sa government authority pero hinikayat niya ang mga lokal na opisyal na umaksyon para mapigilan ang anumang krimen sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments