NANAWAGAN | Pagpili ng ikatlong telecom player sa bansa, hindi dapat madaliin

Manila, Philippines – Nanawagan si Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III na huwag madaliin ang pagpasok ng ikatlong telecommunications player sa Pilipinas.

Ayon kay Domiguez, mahalaga ang investment requirement para sa matagumpay na pagpasok ng bagong telco.

Dapat rin aniyang tiyakin ng mga investors na mayroon silang available infrastructure para sa mga pasilidad.


Dagdag pa ng kalihim na kailangan ng bagong telco ng halos 900 bilyong piso para maging subok na kakompitensya ng PLDT at Globe Telecom.

Una rito, tiniyak na ng Department Of Information and Communications Technology (DICT) na magiging operational na ang bagong telco bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 23.

Facebook Comments