NANAWAGAN | Pagtatag ng ASEAN TVET development council, inihirit ng TESDA

Manila, Philippines – Nanawagan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa paglikha ng Association of South East Asia Nations (ASEAN) Technical Vocational Education and Training (TVET) development council na siyang magiging oversight at pangunahing coordinating body para sa TVET sector sa rehiyon.

Ipinaliwanag ni TESDA Director General Secretary Guiling Mamondiong, na siyang nagsusulong sa nasabing panukala, na layon nitong gawing mas komprehensibo ang lahat ng inityatibo at programang pang-TVET tungo sa mas maunlad at malawak na kakayanan ng mga manggagawa sa rehiyon.

Sinabi pa nito na ang pangunahing layunin ng pagbuo ng council ay padaliin at mas palakasin ang regional convergence sa pagitan ng mga ASEAN Member States (AMS) sa TVET at human resource development programs upang ang mga manggagawa ay mas maging competitive at competent sa mga trabaho sa hinaharap.


Facebook Comments