NANAWAGAN | PNP, hinimok ang publiko na tumangging ibenta ang kanilang boto sa darating na Barangay at SK election

Manila, Philippines – Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na tumangging ibenta ang kanilang boto sa mga kandidato ng barangay at SK elections na gaganapin na bukas, May 14.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, ipapakalat ang nasa 160,000 strong police force sa buong bansa partikular sa mga polling centers.

Magkakaroon din aniya ng undercover agents na tututok sa vote-buying candidates.


Pinayuhan din ni Albayalde ang publiko na piliing mabuti ang mga kandidatong nais ihalal.

Facebook Comments