NANAWAGAN | Pondo ng CHR sa 2019, pinadadagdagan sa Kamara

Manila, Philippines – Pinadadagdagan sa Kamara ang pondo sa susunod na taon ng Commission on Human Rights (CHR).

Sa budget deliberation sa plenaryo, iginiit ni ACT Teachers Representative Antonio Tinio na P1 Billion ang proposed 2019 budget ng CHR pero P600 million lamang ang ibinigay dito ng DBM.

Kasama sa kinaltasan ang intelligence fund ng ahensya na nasa P1 Million na lamang mula sa iminungkahing P5 Million.


Bukod dito, zero ang pondo sa capital outlay para sa gusali at transportation equipment ng CHR sa susunod na taon.

Sinuportahan naman ni Appropriations Vice Chairman Raul del Mar ang panawagan ni Tinio na hanapan ng pondo at ibalik ang itinapyas na budget sa CHR.

Malaki aniya ang magiging epekto sa performance ng CHR kaya dapat na dagdagan ang pondo dito.

Facebook Comments