NANAWAGAN | Problema sa trabaho, sikmura ng taong-bayan dapat tutukan – ALU-TUCP

Manila, Philippines – Naniniwala si ALU-TUCP Vice President Louie Corral na dapat unahin muna ng Duterte Administration ang kapakanan ng taongbayan bago ang mga proyekto ng gobyerno.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Corral na huwag munang ituloy ang mga proyekto ng gobyerno na hindi pa muna pakikinabangan ng publiko at dapat unahin muna ang problema ng trabaho at sikmura ng taong-bayan.

Paliwanag ni Corral problema sa trapiko, kurapsyon at trabaho na dapat tutukan ng pamahalaan ay naisantabi nalamang na lubhang ikinadismaya ng mga labor sectors.


Giit ng opisyal problema sa mga walang trabaho at hindi pa nare-regular ang dapat iprayoridad ng gobyerno upang makaahon sa kahirapan ang mga ordinaryong manggagawa.

Facebook Comments