BANTAY-TRILLANES | Trillanes nagpapaawa lang sa publiko – Malacañang

76

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na ginagamit lang ni Senador Antonio Trillanes IV ang kanyang pananatili sa Senado para makakuha ng simpatya sa publiko.

Hanggang ngayon kasi ay sa Senado pa rin naninirahan si Trillanes sa pangamba na baka siya ay arestuhin sa oras na siya ay umalis sa Senado.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, gusto lang palabasin ni Trillanes na inaapi siya ng pamahalaan matapos mapawalang bisa ang amnesty na ibinigay sa kanya.

Pero kung tutuusin aniya ay walang dahilan para manatili si Trillanes sa loob ng Senado dahil hindi naman siya aarestuhin hanggang walang lumalabas na warrant of arrest.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahantayin niya ang magiging desisyon ng Makati City Regional Trial Court bago gumawa ng anomang hakbang.

Facebook Comments