NANAWAGAN | Publiko, dapat magmatyag sa kilos ng gobyerno; Crackdown sa mga aktibista, ipinatitigil na

Manila, Philippines – Nanawagan si Bayan Muna Representative Carlo Isagani Zarate na maging bigilante ang publiko sa tumataas na kaso ng harassment mula sa gobyerno.

Ito ay matapos arestuhin ang Australian missionary na si Sister Patricia Fox na kalaunan ay pinakawalan din naman ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Zarate, welcome para sa kanya na nakinig ang BI na pakawalan na ang madre.


Pero nanindigan ang mambabatas na hindi na dapat inaresto at ikinulong si Sister Patricia dahil ito ay properly documented na misyonaryo.

Iginiit ni Zarate na huwag hayaang lumala at dumami pa ang makakaranas ng arm-tactics at harassment sa mga human rights defenders.

Dapat aniyang matigil na ang crackdown laban sa mga aktibista at human rights advocates dahil kung hindi galit mula sa publiko at isolation sa local at international community ang mararanasan ng gobyerno.

Facebook Comments