Manila, Philippines – Hinimok nina Deputy Speaker Raneo Abu at Ako Bicol Representative Rodel Batocabe ang publiko na mag-relax lang muna sa mga nararanasang epekto ng mataas na inflation rate at sa implementasyon ng TRAIN law.
Sa halip, hinikayat ni Batocabe ang publiko na tumulong sa pag-aambag kung paano so-solusyunan ang epekto ng inflation tulad ng paghihigpit ng sinturon.
Inihalimbawa ni Batocabe na isa sa puwedeng gawin ng mga tao ay ang pagtitipid ng bigas na napakamahal ang presyo.
Sinabi nito na kung hindi naman kayang ubusin ang 1 cup rice ay magkalahating tasa na lamang ng kanin para hindi masayang ang bigas.
Dagdag pa ni Batocabe na kaunting pagtitiis at mararamdaman din ng publiko ang gains o ginhawa ng mga ‘safety nets’ na nakapaloob sa TRAIN Law gayundin ang rice tariffication.
Muling tiniyak naman ni Abu na hindi nagpapabaya ang gobyerno para tugunan ang problema sa inflation at ang problema sa mataas na presyo ng bigas.
Dapat aniyang maintindihan na bago pa lang naman ang batas at tiyak sa susunod na taon ay mararanasan din ang kaginhawaan.
NANAWAGAN | Publiko, pinakakalma kasabay ng nararanasang epekto ng inflation at TRAIN
Facebook Comments