NANAWAGAN | Sec. Bautista, aminado na malaking hamon sa kanya na pamunuan ang DSWD

Manila, Philippines – Itinuturing ni bagong Secretary Rolando Joselito Bautista na malaking hamon sa kaniyang kakayahan na pamunuan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dahil dito, hiningi ni Bautista ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa ahensya.

Para sa kalihim, ang pagkakaisa at teamwork ang kailangan sa pagbibigay ng mabisang serbisyo sa taumbayan.


Aniya, mahirap man ang mga pagsubok na darating, pero kung magtutulungan at sama-samang tatahakin ang tamang landas, nakatitiyak siya na mapagtagumpayan ito tungo sa ikabubuti ng sambayanan.

Kasunod ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte, si Secretary Bautista ang bagong itinalagang head ng DSWD epektibo noong Oktubre 17.

Umaasa naman ang mga opisyal at kawani ng DSWD na ang tradisyon ng mabilis, mapagmalasakit at compassionate service na ipinagkakaloob ng departmento sa marginalized at vulnerable sectors ay magpapatuloy at aangat sa mataas na lebel.

Facebook Comments