NANAWAGAN | Sen. Pimentel umapela kay PRRD na magtalaga ng bagong kalihim ng DSWD

Manila, Philippines – Umapela si Senator Koko Pimentel kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Panawagan ito ni Pimentel makaraang umabot na sa halos 200,000 mga residente sa mga mababang lugar sa Luzon ang inilikas dahil sa matinding pagbaha.

Ipinaliwanag ni Pimentel na napakahalaga ng papel ng DSWD sa pagbibigay ng tulong at pagsasagawa ng rehabilitasyon sa mga probinsyang tinatamaan ng mga kalimidad katulad ng magkakasunod na bagyong naranasan sa bansa.


Ikinatwiran din ni Pimentel na kailangang may permanenteng pinuno ang DSWD para epektibong maipatupad ang poverty-alleviation program ng pamahalaan na pinondohan ng P89 billion ngayong 2018.

Nangangamba din si Pimentel na malagay sa balag ng alanganin ang conditional cash transfer program ng gobyerno dahil sa limitadong kapangyarihan ni DSWD acting Secretary Virginia Nazarrea Orogo.

Facebook Comments