Manila, Philippines – Nanawagan si Committee on Labor Chaiman Senator Joel Villanueva kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang security of tenure bill na tutugon sa problema ng kontraktwalisasyon.
Ayon kay Villanueva, malinaw sa mensahe ni Pangulong Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ang pagnanais nito na magpasa ang Kongreso ng batas na tutuldok sa kalabisan o evils of contructualization.
Sa Senado ay inendorso na ni Senator Villaneuva sa plenaryo ang security of tenure bill na tiniyak niyang hindi anti-business bagaman at ipinagbabawal kontrakwalisasyon ng mga manggagawa na tinatawag ding “ENDO” o end of contract.
Diin ni Villanueva, lumitaw sa mga pag-aaral na mas umuunlad ang negosyo kapag regular ang mga trabahador at may sapat na benepisyo dahil mas masigasig silang magtrabaho.
Tinukoy ni Villanueva ang resulta ng pag-aaral ng International Labor Organization (ILO) noong 2004 kung saan nakita sa 13 bansa sa Europe na produktibo ang mga trabahador dahil mayroon silang security of tenure o dahil regular silang mga trabahador.