Manila, Philippines – Umapela si Senator JV Ejercito sa publiko na manatiling kalmado at huwag mawalan ng tiwala sa ating demokrasya.
Mensahe ito ni Ejercito sa mga umaalma sa pagpabor ng Supreme Court sa quo warranto petition na nagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Umaasa si Ejercito na mananatiling matatag ang ating mga institusyon at mamamayan laban sa mga pag-atake sa ating demokrasya.
Maging si Ejericto, ay kumbinsido din na isang panghihimasok sa eklusibong karapatan ng kongreso ang pagpapatalsik ng Supreme Court kay CJ Sereno.
Ayon kay Ejercito, malinaw sa konstitusyon na tanging ang kongreso lamang ang maaring magpa-impeach sa mga impeachable officers tulad ng punong mahistrado.
Facebook Comments