SISIGURADUHIN | Pangulong Duterte, humingi ng pag-unawa mula sa mga Maranao sa Marawi City

Marawi City – Humingi ng pang-unawa si Presidente Rodrigo Duterte mula sa mga Maranao sa Marawi City, sa kanyang pagbisita dito kahapon, Mayo 11.

Sa kanyang mensahe, naki-usap ang Pangulo sa mga residenteng apektado ng kaguluhan na habaan ang kanilang pasensiya dahil determinado ang gobyerno na itayo ulit at ibalik sa kanila ito.

Aniya, sinikap ng gobyerno na linisin ang mga debris mula sa limang buwang giyera upang maihanda ang sentro ng siyudad sa gagawing rebuilding efforts.


Unti-unti aniyang darating ang pera para dito subalit hindi ito overnight.

Siniguro ni Duterte na hindi mapupunta sa mga hindi taga-Marawi ang mga lupain sa Marawi dahil wala silang ambisyon na ganito.

Gaya ng nangyari sa Boracay, pinasinungalingan ng Pangulo ang balita na may kukuha nitong mga malalaking korporasyon o mga negosyante.

Facebook Comments