Nanay, arestado sa pakipagtalik sa 14-anyos lalaking nakilala online

7401

Arestado ang isang nanay sa Oregon, US matapos akusahang nakipagtalik sa 14-taon-gulang na lalaking nakilala sa social media.


Dinakip ng mga pulis ang 36-anyos na si Rheta Leanne Melvin sa kanilang bahay sa Riddle noong nakaraang Huwebes, isang araw makaraan ang hinihinalang pakikipagtalik sa binata sa likod ng kanyang kotse.

Napag-alaman ding galing ang binata sa parehong paaralang pinapasukan ng anak na babae ng akusado.

Una umanong kinausap ni Melvin ang lalaki noong Martes sa social media app na Snapchat hanggang sa nauwi sa pagpapalitan ng mahahalay na litrato, ayon sa ulat ng KTVL base sa pulisya.

Matapos may mangyari, pinilit daw ni Melvin ang bata na makipagkita muli sa kanya, ngunit tumanggi na ito.

Nadiskubre ito kalaunan ng nanay ng binata at isinumbong sa awtoridad.

Umamin umano ang suspek sa pulisya nakikipag-“sexting” sa lalaking inakala niya 17 o 18-anyos na.




Aminado rin siya sa pagpapasa ng mga hubad na litrato, ngunit itinangging nakipagtalik sa 14-anyos.

Patong-pato na kaso ang kinahaharap ni Melvin kabilang ang rape, sodomy, at sexual abuse.

Facebook Comments