Nanay, kinagat ng ahas habang nakaupo sa inodoro

1898
(Photo from Unsplash)

Isinugod sa ospital ang isang ginang mula Thailand matapos magtamo ng sugat mula sa kagat ng ahas na sumulpot umano habang nakaupo siya sa inodoro.

Kwento ni Chunya Sittiwichai, anak ng biktima, nasa banyo noon ang kanyang nanay nang biglang lumabas ang naturang hayop saka siya kinagat sa hita.


Hinablot daw ng kanyang ina ang ulo ng ahas ngunit mas naging mahigpit daw ang pagkakakagat nito, rason para bumulwak ng maraming dugo sa banyo.

Dito na narinig ni Chunya ang sigaw ng ina kaya dali-dali raw siyang nagtungo sa banyo dala ang kutsilyo at martilyo.

Sinubukan daw ng kanyang ina na saksakin ang ahas ngunit sa kasamaang-palad, aksidente nitong nasaksak ang sarili na may lalim na 3cm.

Dahil dito ay halos mawalan daw ng malay ang biktima.

Makailang saglit pa ay natanggal ng nanay ang ahas at napabagsak ito kasabay ng pagdating ng kanyang anak na lalaki na pumukpok umano ng martilyo sa nasabing hayop at agad nitong ikinamatay.

Dali-daling lumabas ang tatlo mula sa banyo saka kinandado ang pinto.

Maswerte namang nakaligtas ang biktima at tinahi ang sugat nito sa ospital kung saan siya dinala.

Facebook Comments