Nawawalang dalagita, natagpuan matapos umanong hulaan ng mga psychic

969

OHIO, United States — Isang dalagita na ilang araw nang nawawala ang nahanap ng awtoridad isang araw matapos umanong mahulaan ng grupo ng mga psychic.


Natagpuan si Haylee Marie Martin, 17, mula Franklin County noong Biyernes, Enero 24, kung kailan agad din siyang dinala sa kostudiya ng pulisya sa hinihinilang kaso ng pagnanakaw, ayon sa The State Journal.

May kasama umanong 21-anyos babae ang dalagita nang nagtangkang pasukin ang isang bahay sa Scott County.

Nang mapag-alaman ng awtoridad na si Martin ang napaulat na nawawala sa kalapit na bayan, agad nila itong itinawag at ipinagbigay-alam.

Ayon kay sheriff Chris Quire ng Franklin County, tumama ang hula ng mga psychic na mahahanap ang dalaga sa katabing bayan kinaumagahan.

Napaulat na nawawala si Martin noong Enero 13 at higit isang linggo na ang nakalipas bago makipag-ugnayan ang pulisya sa mga psychic na bumisita sa lugar kung saan huling namataan ang babae.

Inilipat na sa Franklin Sheriff’s Office si Martin at isinailalim sa pangangalaga ng social services.




Nagbanta ang menor de edad na muling tatakas kung iuuwi siya sa kanilang bahay.

Sinabi niya rin na dalawa hanggang tatlong matatanda ang tumulong sa kanya sa pagtatago.

Facebook Comments