Nanay, kulong matapos ihagis sa kuna ang bagong silang na anak

3858

Inihagis ng isang nanay ang kanyang bagong silang na anak matapos umanong mairita dahil hindi mapatigil sa pag-iyak.

Nahaharap sa kasong child endangerment si Megan James na nakakulong ngayon sa Iowa, United States at may piyansang $30,000 (nasa P1.5 milyon), ayon sa KTIV.


Isinilang ng 32-anyos na babae ang malusog na batang lalaki noong Nob. 15 sa ospital ng Sioux City.

Naghinala ang mga tauhan sa ospital nang mapansin ang pinsala ng sanggol na nagtamo ng basag sa bungo matapos tumama sa kuna at sahig.

Dinala ang bata sa Children’s Hospital habang umamin naman kalaunan si James sa kanyang ginawa.

Ayon sa nanay, nakaranas siya ng migraine at nainis dahil ayaw tumahan ng pinapadedeng anak.




Nakatakdang humarap sa korte si James sa Disyembre 23.

Facebook Comments