Nanay na nakikipagtalik sa 2 menor de edad na nobyo ng anak, kulong

23928

Hinatulan ang isang ginang sa Califoria, US matapos mapatunayang sumiping sa dalawang menor de edad na naging kasintahan ng anak na babae.

Humarap sa korte ang 42-anyos na si Coral Lytle na sinintensyahan ng apat na taong pagkakakulong nitong Lunes, ayon sa ulat ng The Fresno Bee.


May edad na 14 at 15 ang dalawang lalaking biktima na parehong freshmen sa high school.

Pinagagamit umano ni Lytle ng sigarilyo at pinaiinom ng alak ang mga naging nobyo ng anak na kinatatagpo niya sa mga parke, parking lot, o minsan ay sinusundo pa umano sa kani-kanilang mga bahay.

Nangyari ang pambibiktima nang higit isang linggo mula noong Setyembre 27 hanggang Oktubre 4 ng taong 2017–hanggang sa isa sa mga lalaki ang nagsumbong sa pulis.

Hindi naman nagsalita sa pagdinig si Lytle na kikilalanin na bilang sex offender habambuhay.

Sa pahayag ng magulang ng isang biktima, kinontrol umano ng “pedophile” na bumago sa buhay ng kanyang anak.




Minsan na raw niyang nahuli ang mga hindi kanais-nais na text ni Lytle sa anak kaya kinompronta niya ito.

Inakala niyang tatantanan na ng akusado ang anak hanggang sa nakantanggap siya ng tawag mula sa pulisya na nagtanong tungkol sa relasyon ng biktima kay Lytle.

Habang ang isa namang lalaki ay nakitaan umano ng pagbabago at minsan ay nakikitang umiiyak mag-isa sa kuwarto, ayon sa magulang.

Napatunayang may sala ang akusado sa “21 felony counts, unlawful sexual intercourse, oral copulation at contacting a minor for sex.”

Facebook Comments