Pagwawalkout-out ni Morisette Amon sa isang concert, nakunan ng camera

1972
Images from IG/Morisette Amon and Nikko Celis Binuya

Nasa hot seat ngayon si Morisette Amon matapos mag-walkout sa birthday concert ng baguhang singer na si Kiel Alo, Miyerkules ng gabi.

Sa bidyong kumakalat ngayon sa internet, makikita ang pag-alis ng mang-aawit sa Music Museum kahit hindi pa nagtatanghal.


Ayon kay Jobert Sucaldito, na siyang producer ng show at nag-imbita kay Morisette, na-offend umano ito sa tanong ni ABS-CBN entertainment reporter Mario Dumaual kaugnay sa tatay niya at estado ng lovelife.

Matapos raw ang panayam, biglang humagulgol ang singer at ayaw nang umakyat ng entablado.

Kuwento pa ni Sucaldito, paulit-ulit na inuntog ni Amon ang ulo niya sa dingding.

Dahil sa insidente, humarap sa mga manonood ang beteranong manager at sinabing hindi na ito kakanta sanhi ng “medical issues”.

Sa isa pang viral video, mapapanood na pinapakiusapan ng showbiz columnist si Morisette na umakyat nang stage para masulyapan ng mga tao at mapatunayang hindi siya nanloloko sa mga bumili ng ticket.

Ngunit hindi siya pinagbigyan ng mang-aawit at nakasimangot pa raw nang lumabas sa naturang venue.

Facebook Comments

From Advertisers