Nanay sa US, iniwan ang kambal na sanggol, anak na may kapansanan para umano magpagupit ng buhok

376
(Unsplash)

TEXAS, US – Arestado ang isang 28-anyos na ina nang iwan niya ang mga anak kabilang na ang kambal na sanggol at anak na may kapansanan para lang umano magpagupit ng buhok.

Sa ulat ng news agency na KHOU, nakatanggap ng tawag noong Huwebes ang mga pulis nang iwan ni Gabrielle Robertson ang tatlong bata sa loob ng kanilang bahay sa loob ng ilang oras.


Nang matagpuan ang mga paslit, agad umano nilang tinawagan si Robertson para alamin kung nasaan ang lokasyon nito ngunit umabot pa raw ng isang oras bago ito tuluyang umuwi.

Ayon sa pulis, nakumpirmang nasa kanyang appointment ang babae at iniwan ang mga bata habang walang kasama sa kanilang bahay.

Humaharap sa four counts of child abandonment si Robertson habang nasa kustodiya na ng social services ang mga bata.

Samantala, Mayo 18 nang payagan ang pagbubukas ng salon sa Texas simula ibaba ang lockdown restrictions sa lugar.

Facebook Comments