Nanay sa US, nawalan ng parehong anak dahil sa COVID-19

466

Hindi maipaliwanag ng isang ginang mula Florida USA ang sakit na nararamdaman nang mawalan ng dalawang anak dahil sa COVID-19.

11 araw lamang kasi ang naging pagitan nang pagpanaw ng mga anak ni Monete Hicks matapos hindi kayanin ang sakit na idinulot ng virus.


Kwento ni Hicks sa NBC 6 Florida, Hunyo 27 nang isugod niya sa ospital ang 20-anyos na anak na lalaki na so Byron nang mahirapan itong huminga.

Kinalaunan mula nang maidala ay pumanaw ito.

Habang nagluluksa umano ang kanilang pamilya sa pagkawala ni Byron, isinugod naman ang 22-anyos niyang anak na si Mychaela.

Nakaramdam daw ito ng pananakit ng ulo at lagnat.




Ngunit, noon lamang Hulyo 8 ay binawian ito ng buhay.

Ayon kay Hicks, bago pa man magkaroon ng virus ay parehong may asthma ang mga anak.

Labis naman ang kanyang pangungilala na hindi umano sanay na wala sa tabi ang dalawa.

Facebook Comments