Nanay, trending sa panggagaya ng OOTD ng mga artista

4015
Image via AJs and Me on Facebook

Tampok sa mga netizen ang isang pinoy na ina sa Canada kung saan ginagaya ang OOTD (outfit of the day) at pose ng mga artista.

Si Grace Baldomar Delos Santos, 41 taong gulang na may apat na anak na lalaki, ay mayroong Facebook page na “AJs and Me” kung saan ibinabahagi niya ang ginayang post ng celebrities sa Instagram.


Ginaya niya ang OOTD ng celebrities tulad nila Kim Chiu, Nadine Lustre, Kendall Jenner, Julia Barretto, Pia Wurtzbach at marami pang iba.

Sa kaniyang panayam sa Smart Parenting, sinabi niyang nagsimula ang panggaya niya nang mapagkatuwaan ng mga kaibigan ang isang challenge na gayahin si Heart Evangelista.

Sinabi niya ring hilig niya talgang bumili ng mga damit sa online shops at wala naman siyang iba pang pinagkakaabalahan bukod sa pag-aalaga ng anak at gawaing bahay.

Nalilibang din siyang gayahin ang mga artista at natutuwa naman ang mga netizen sa ginagawa nito.




Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 32,000 reactions, 4,600 comments at 42,000 shares.

Facebook Comments