Robin Padilla, sasali na sa army bilang reservist

COURTESY OF PHILIPPINE ARMY ON FACEBOOK

Inanunsyo ng aktor na si Robin Padilla ang planong pagpasok sa Philippine Army Reserve Force.

Inihayag niya ito nitong Linggo sa Sulu, nang nagsalita siya sa isang youth forum tungkol sa kapayapaan na sinuportahan ng 11th Infantry Division.

Kung sakali, si Padilla ang pangalawang celebrity na sumali sa army–sunod kay Matteo Guidicelli, na katatapos lamang ng Scout Ranger Orientation Course at naroon din sa nasabing event.


Nagpahayag naman ng pagtanggap sa desisyon ng aktor si Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala.

“We thank Mr. Robin Padilla for his time and effort to advocate peace and unity to the people, especially those who are affected by the threat of violent extremists. We welcome his desire to join the Army Reserve Component and contribute more to the Army’s thrusts of nation-building,” ani Zagala.

Inanyayahan din ng spokesperson ang mga ordinaryong mamamayan na sumali sa reserve force, gaya aniya ni Padilla na boluntaryong magsisilbi sa bansa.

Facebook Comments