Namumpa na bilang pangulo ng Mexico si Andres Manuel Lopez Obrador na mas kilala bilang si AMLO.
Nanalo si AMLO sa pamamagitan ng landslide sa nakaraang July 1 presidential elections ng bansa. Manunungkulan ng anim na taon si AMLO.
Nangako si AMLO na magpapatupad siya ng seryoso at makatotohanang kampanya laban sa katiwalian na itinuturing nitong pinakamatinding bangungot ng Mexico.
Sa kaniyang inauguration speech, sinabi nitong ibebenta niya ang presidential plane para magkaroon ng karagdagan pondo ang gobyerno.
Hindi rin siya titira sa Presidential Palace at 40% lamang ng kaniyang suweldo ang kaniyang tatanggapin.
Nangako rin ito na isusulong niya ang isang recall referendum kaniyang administrasyon at hindi na siya muling tatakbo bilang pangulo ng Mexico pagkatapos ng kaniyang termino.