NANGAKO | CJ Lucas Bersamin, itataguyod ang judicial independence

Manila, Philippines – Nangako si bagong Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na mananatili ang judicial independence sa ilalim ng kanyang liderato.

Ayon kay Bersamin, asahan na ang kanyang judicial independence na magiging istilo niya sa pagdedesisyon sa mga kaso.

Aniya, pananatilihin niya independence ng Korte Suprema mula sa ehekutibo at lehislatura.


Pero hindi aniya ibig sabihin nito ay lagi niyang kokontrahin ang ibang sangay ng gobyerno.

Kasabay nito, tumanggi na si Bersamin na magkomento sa isyu ng seniority na basehan ng Pangulo sa pagpili ng bagong mahistrado.

Paglilinaw pa ni Bersamin bagaman nagpapasalamat siya kay Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi ito nangangahulugan na may utang na loob ito dito.

Aniya, hindi naman siya personal na kilala ng Pangulo at minsan lang siyang nagkita sa Malacañang.

Samantala, maliban kay Bersamin, itinalaga rin ni Duterte si Rosmari D. Carandang bilang bagong Associate Justice ng Kataas-taasang Hukuman.

Facebook Comments